‘Pag Nanggigigil, Baka Nagngingipin: Tips for Teething

‘Pag Nanggigigil, Baka Nagngingipin: Tips for Teething

‘Pag Nanggigigil, Baka Nagngingipin: Tips for Teething

Article
Sep 29, 2015
2 mins

Teething o nagngingipin ang tawag sa paglabas ng ngipin ni baby. Posibleng magsimulang lumabas ang teeth ni baby from 4 to 12 months. Magkakaroon si baby ng 20 baby teeth sa kanyang first 3 years.

Ano ang nararamdaman ni baby?

Masakit ang teething para kay baby, lalo na kapag lumabas ang canines niya ‘pag 15-18 months old na siya. Habang lumalabas ang ngipin, kumakati ang gums niya. Dahil dito, madalas hindi mapakali si baby. Ang paglabas ng unang ngipin ang pinakamasakit para sa kanya.

Madalas kakagat si baby sa kung anu-ano at papasukin niya ang kanyang daliri sa bibig. Mawawalan din siya ng gana kumain.

Iba’t ibang signs ng teething

Iba’t iba ang signs of teething depende sa baby. May mga babies na walang pinapakitang signs at all. Ang ilan sa mga signs na nagte-teeth si baby ay pagiging iritable, pagkagat ng mga nahahawakan, paglalaway, at pagmamaga ng gums. Minsan, kaya mong ma-feel ang tumutubong ngipin sa ilalim ng gums niya.

Tips:

1. Bigyan siya ng teether: Ang paggamit ng sterilized na teether ay makakatulong kay baby makaiwas sa infection habang nagte-teeth. Kung magka-infection si baby, pwede siyang magkaroon ng lagnat, pagsusuka, o diarrhea.

2. Bawasan ang sugar: Important na i-control ang sugar intake ni baby sa kanyang diet dahil pinapalala nito ang tooth decay. Bigyan siya ng mga unsweetened fruit or vegetable juices, imbis na mga chocolates o candies.

3. Bigyan ng malamig: Ang malamig na pagkain o yelo ay makakatulong para maging numb ang mga masakit na gums ni baby.

4. Massage: Pwede mong imasahe nang magaan ang gums ni baby. Make sure malinis ang daliri mo.

5. Dental care para kay baby: Once lumabas na ang mga ngipin niya, turuan siyang mag-toothbrush twice a day. Mag-schedule din ng dental check-up malapit sa kanyang first birthday. Habang baby palang siya, simulan na ang good dental practices.

This website provides general information for educational purposes only. For concerns about your pregnancy, consult with your healthcare professional.

Register Now!

  Register Now!

Get full access to expert-backed nutrition support

Feeding guidance

Learn about various feeding options and what each means for you and your child.

review logo

Expert Tips And Advice

Access helpful tips and advice tailored to your little one's development.

Free Samples

Receive tons of free samples from brands you and your baby will love!

Super-Sized Savings

Get Extra savings in your inbox and mailbox as your child grows.