Asian children of mixed genders play tug-of-war outdoors

10 Signs na Hiyang Ang Anak Sa Kinakain Niya

10 Signs na Hiyang Ang Anak Sa Kinakain Niya

Pre-school
Article
Oct 10, 2025
7 mins

Makikita mo sa kilos, sa energy, at kahit sa pagtulog ng anak mo na hiyang ang anak mo sa kinakain nya!

Noong buntis ka, gusto mo laging kumain ng tama. Baka nabati ka pa nga na hiyang ka sa pagbubuntis! Dahil maingat ka sa kinain mo at iniisip mo na parating kumpleto ka sa proper nutrients, you gave birth to a healthy newborn baby. So, siyempre, you're doing everything to provide them with the right kinds of food.
Pero paano nga ba malalaman kung hiyang ang anak sa pagkain na binibigay mo?

10 Clues na Hiyang Ang Anak   

Maraming factors ang kailangan para lumaki na malusog ang bata. Kasama diyan ang pag-aaruga, tamang laro, clean and safe environment, and, of course, nutritious food.

Kapag hiyang ang reaction ng anak mo sa pagkain, maganda ang magiging epekto sa kalusugan niya. Makikita sa kanilang katawan, kilos, at resistensya. Let us count the ways.

1. Curious at active mag-isip 

Asian preschool-aged children draw shapes during kindergarten class

Isang cognitive milestone kapag marunong na ang bata mag-drawing ng simpleng hugis.

Kapag nakakasunod na ang anak ng instructions or kaya nang mag-focus ng five to 10 minutes, those are good signs of healthy brain development!

Kailangan magtulong-tulong ang mga iba't-ibang klase ng nutrients para mabigyan ng sapat na energy ang utak na lumaki, matuto, at mag-isip. In addition to nutritious food, kailangan din ng playtime, magandang learning environment, at kwentuhan sessions kasama ka to achieve cognitive milestones.

2. Malakas ang immune system

Hindi ibig sabihin hindi na magkakasakit ang anak mo. Pero kapag matibay ang resistensya, hindi sila madaling tamaan ng bawat sipon o ubo na kumakalat. At kung magkasakit man, mas mabilis silang nakaka-recover.

Sabi sa Harvard Health, may tatlong importanteng bagay ang makakatulong sa immune system ng bata: maging active every day, on schedule ang immunization, at may balanced diet.

3. Steady ang paglaki

Asian preschool-aged boys test young muscles at the monkey bars.

Don't miss your well-child visits para ma-monitor ng pedia kung nasa tamang growth track ang anak mo.

Malaki ang role ng mga nutrients gaya ng vitamin D at calcium sa gatas para sa tuloy-tuloy na healthy physical development ng anak. Sabi ng isang 2023 journal article sa Nutrition Reviews, boys may reach 61% of their adult height, while girls are around 65% pagdating nila ng 5 years old.

Kapag kulang ang taas ng bata para sa edad nila, maaaring inadequate ang nakukukha nilang nutrients. Makikita mo ang growth milestones dito sa growth chart calculator; gamit nito ang World Health Organization's length/height-for-age standards.

4. Swak sa edad ang timbang

Sabi ng American Academy of Pediatrics (AAP), nagiging triple ang birth weight ng bata by age 5. You can check your child's Body Mass Index (BMI) percentile curve using ParenTeam's BMI calculator.

Age-appropriate weight gain means your child is getting the proper nutrients for growth and energy. Kapag hindi sobrang payat o sobrang bilis tumaba, that's a sign na hiyang ang anak sa pagkain.

5. Regular at hindi hirap sa pagdumi

Alam naman natin na kapag physically active at nakakakuha ng angkop na vitamins and minerals ang bata, gumaganda ang bowel movement. A 2023 review sa Journal of Pediatrics found that healthy kids 15 weeks up to 4 years old usually have 11 bowel movements each week.

Pero ang mahalaga, ayon sa AAP, ay kung gaano kalambot o katigas ang poop. Gamit ang Pediatric Bristol Stool Form Scale for Children, ideal na nasa Type 3 o Type 4 ang itsura ng poop ng bata:

  • Type 3: Sausage o snake ang shape, smooth at soft
  • Type 4: Mushy o fluffy, may ragged edges

Silipin ang mga guides na ito para sa magandang itsura ng baby poop at malaman mo rin kung may diarrhea o constipation ang anak.

6. Masigla ang katawan

Kailangan ng anak mo ng good carbohydrates, protein, at minerals tulad ng calcium at iron  para magkaroon siya ng energy maglaro at manatiling alerto buong araw.

Para sa mga batang edad 3 to 4 years old, 180 minutes ang recommendation ng WHO kada araw para sa physical activity. Okay lang kahit anong intensity basta active sila. Sa isang review ng Journal of Physical Activity and Health, kasama sa active play ang swinging, climbing, pulling, balancing, jumping, rolling, running, and skipping.

7. Walang maraming issue sa balat

Malaki ang role ng proper nutrition para ma-protektahan ng balat ang sarili laban sa mga puwedeng maka-damage dito, gaya ng allergens, irritants, or infection. May research pa nga showing the link between skin health and nutrient gap.

Sa 2024 study na lumabas sa Skin Health and Disease, may posibleng connection daw sa pagitan ng vitamin D3 deficiency at eczema symptoms. Sa 2021 review sa International Journal of Women's Dermatology, nakita ang seborrheic dermatitis symptoms gaya ng rash sa anit at mukha sa mga tao na may vitamin B-complex deficiency.

8. Mahimbing ang tulog

Asian child wakes up smiling while still in bed.

Sabi ng isang research mas bihira magkaroon ng sleep issues 'yung mga batang kumakain ng breakfast araw-araw during school week.

Kapag balanced ang kinakain ng bata, mas mataas ang chance na maganda rin ang tulog nila. Pinakita eto ng isang 2022 study sa Nutrition involving 2-year-olds.

Napansin ng researchers na mas maiksi ang tulog (kulang sa 11 hours kada araw) at mas madalas magising sa gabi ang mga batang madalas uminom ng soft drinks at kumain ng fast food. Pero mas mahimbing ang tulog ng mga bata na mas maraming gulay sa diet nila.

9. Maganang kumain

Ayon sa mga researchers sa University of Illinois Urbana-Champaign, maraming factors ang nakakapekto sa appetite ng bata. Nandyan ang maayos na digestion, sakto sa edad ang kinakain, at hindi pihikan o konti ang pag-aalinlangan sa bagong pagkain.

Alam din ng anak mo ang kanyang hunger cues nya. Hindi siya kailangan pilitan o pangakuhan ng reward. Kumakain siya nang kusa tuwing mealtime.

10. Matibay ang muscles

Kapag nakikita mong tumatakbo, gumagalaw, o tumatalon nang maliksi, maganda ang muscle growth and development ng anak mo. Para mangyari ang muscle-building, kailangan ng sapat na high-quality protein, tamang calories, at physical activity ng bata, ayon sa Nestle Nutrition Institute.

May tinatawag ding muscle stem cells na tumutulong magpalaki ng muscle fibers lalo na kapag may growth spurts. Kung kulang sa proper nutrition, hindi gagana nang maayos ang mga cell na at pwedeng mapunta sa mababang muscle mass. May effect din ito sa lakas, metabolism, at kahit sa posture ng bata habang lumalaki.

Check Ba Ang Lahat ng Hiyang Signs?      

Kapag consistent mong nakikita ang signs ng hiyang tulad ng:

  • Curious at active mag-isip
  • Malakas ang immune system
  • Steady ang paglaki
  • Swak sa edad ang timbang
  • Regular at hindi hirap sa pagdumi
  • Masigla ang katawan
  • Walang maraming issue sa balat
  • Mahimbing ang tulog
  • Maganang kumain
  • Matibay ang muscles

Nasa right track ka sa iyong meal planning kung merong itong sapat na nutrients na nakalahad sa Philippine Dietary Reference Intakes (PDRI). Maganda rin kung ginagamit mo ang Pinggang Pinoy, isang visual guide ng masustansyang pagkain.

At huwag ding kalimutan ang kahalagahan ng vaccination, pagiging physically active, maraming playtime, at quality time with baby pagdating sa wastong kalusugan.

Kung may isa o dalawang hiyang signs na hindi mo pa napapansin, don't panic. Hindi eto exam na kailangan perfect score! Iba-iba ang development ng bawat bata, at maraming factors ang nakakaapekto dito. Hindi ibig sabihin may ginagawa kang mali.

Pero magandang opportunity eto na kausapin ang pediatrician mo tungkol sa mga hindi na-check na hiyang signs. Baka may dapat ayusin sa diet ng anak o may underlying medical condition na kailangan munang ayusin. Kaya mahalaga talaga na hindi mo ma-miss ang scheduled checkups kay doc!

Epekto ng Pagiging Hiyang

Malaki ang epekto ng pagiging hiyang ng anak sa pagkain pagdating sa kinabukasan niya. Ilan sa mga long-term benefits:

1. Mas mataas ang chance na maging maganda ang academic performance

Sabi nga ng WHO, natutuo nang mas mabuti ang bata kapag malusog siya. Dagdag pa ng World Food Programme, maaaring bumagal ang language development at maapektuhan ang IQ kapag may nutrient deficiency.

Ni-report din ng CDC ang resulta ng isang malawakang survey sa US. Yung mga batang may mataas na grado? Kumakain ng almusal, prutas, at gulay kung ikukumpara sa mga estudyanteng mababa ang grado.

2. May healthy relationship sa pagkain

Ibig sabihin ng healthy alam ng anak mo kapag gutom o busog siya. Hindi mo kailangang pilitin o i-bribe ng reward para lang kumain. Marunong din siyang magpigil sa sarili kapag busog na siya. Ang ganitong klase ng self-regulation ay mahalaga para maiwasan ang overeating o undereating.

3. Mas mababang risk ng malnutrition

Kapag may tamang sustansya at magandang relationship sa pagkain ang anak, lumiliit ang risk na tinatawag na "triple burden of malnutrition." Anu ang mga ito?

  • Undernutrition na pwedeng mauwi sa wasting (mababa ang weight para sa height) o stunting (maliit para sa kanilang edad)
  • Micronutrient deficiency o hidden hunger
  • Overnutrition na pwedeng maging obesity

Hindi lang nakakabagal sa growth ng katawan ang malnutrition, kundi nauuwi pa ito sa sakit sa katawan at utak.

4. Makakaiwas sa lifestyle-related diseases paglaki

Kapag lumaki ang anak mo na obese o kulang sa exercise, nalalagay ang kalusugan nya panganib. Ilan dito ang mga sakit na tinatawag na lifestyle-related disease gaya ng high bood sugar, diabetes at heart disease. Bakit may lifestyle na tawag? Dahil maaaring maiwasan ito sa pamamagitan ng healthy eating habits at consistent physical activity.

Hindi mo naman kailangang sukatin ang bawat subo o bilangin ang nutrients sa bawat meal para masabi kung sapat ang nutrition ni baby. Minsan, sagot na ng katawan nila ang tanong mo: "Hiyang ba sila sa kinakain niya?"