2 Months Postpartum: Your Newborn Is Interacting!
Mommies, nasa exciting part na kayo ng postpartum: ang panahon kung saan unti-unti nang nagpapakita si baby ng interaction at connection. Hindi na lang siya basta tulog-dede-iyak. This time, napapansin mo na ba ang maliit na ngiti, tunog na parang kuwentuhan, o mga matang sumusunod sa paligid?
Mga simpleng kilos ito, pero mahalaga sa development ni baby—and a sign na mas nakikilala ka na rin niya.
Mga Bagay na Kayang Gawin ni Baby
Sa stage na ito, ito ang mga common na signs ng interaction ni baby:
✔️ Ngumingiti bilang response sa pamilyar na boses o mukha
✔️Nagku-coo o gumagawa ng tunog, lalo na ‘pag kausap mo siya, or si baby
✔️Sumusunod ang mata sa gumagalaw na bagay o mukha
Ito ay signs na gumagana at lumalakas na ang brain development at senses ni baby. Kahit simple lang—’pag ngumiti ka sa kanya, kausapin ng malumanay, o magpakita ng isang soft toy—malaking tulong na ito sa growth niya.
Para Kay Mommy na Nagpapadede
Habang si baby ay nagiging mas alert at active, si Mommy naman ay tuloy pa rin ang effort sa breastfeeding at recovery. Normal lang mapagod o manghina, lalo na kung kulang sa tulog o nutrients.
Bonina® Maternal Milk Supplement can help support your breastfeeding journey. Ito ay formulated para sa mga mommies na gustong ituloy ang breastfeeding pero kailangan din ng tulong sa nutrition.
Sa Bonina, you get:
- Protein at calcium para sa energy at bone health
- Folic acid at iron para sa blood recovery at stamina
- Vitamin C at nucleoshield para sa dagdag na protection
Kaya habang inaalagaan mo si baby, huwag kalimutang alagaan din ang sarili mo. 💗
Tips to Encourage Baby’s Interaction
- Makipag-eye contact habang pinapadede o nilalaro si baby
- Kausapin siya kahit hindi pa siya sumasagot; nakakatulong ito sa language development
- Magpakita ng laruan o moving object at pansining sinusundan niya ito
- Ngitian at kantahan siya; nakakagaan din ito ng loob ni Mommy
Mommies, tandaan: hindi kailangan ng bonggang effort para makabuo ng connection kay baby. Yung mga maliliit na moments na ‘yan—pagngiti, pagtingin, at paggawa ng iba’t ibang tunog—sapat na para ipakitang handa kayo sa tamang paglaki.
References:
Based on:
- How to Bathe a Newborn Baby. ParenTeam. https://www.parenteam.com.ph/how-bathe-newborn-baby
- A New (and Exhausted) Mom’s Guide to Surviving the First Month. ParenTeam. https://www.parenteam.com.ph/article/new-moms-guide-surviving-first-month