
Balik Healthy Eating: Paano Ibalik ang Masustansyang Pagkain After Holiday Feasts?
Ang saya ng holidays, di ba? Ang daming masasarap na handaan—lechon, desserts, at kung anu-ano pa! Pero ngayon, back to reality na tayo, kasama na ang pagiging mindful sa pagkain natin at ni bunso. Alam naming minsan mahirap magsimula ulit, kaya narito ang Bonakid Preschool 3+ para bigyan kayo ng ilang tips!
1. Baby Steps Lang, Mommy!
Hindi kailangang biglaan ang pagbabago. Start small para hindi kayo ma-stress. Pwedeng unahin ang pag-replace ng junk food sa bahay with healthier snacks tulad ng prutas o crackers.
2. Planuhin ang Masustansyang Meals
Masaya at mas praktikal ang meal planning! Subukang mag-grocery kasama si bunso at gawing exciting ang pagpili ng gulay at prutas. Kapag colorful ang pagkain, siguradong kakain din siya nang mas masigla. Pwede niyo pang gawing bonding ang pagpe-prepare ng meals!
3. Balik sa Routine si Bunso
Alam nating medyo magulo ang schedule noong holidays—kain kung kailan gusto! Pero ngayon, balik na sa regular routine. Set meal times at siguraduhing may healthy snacks in between para may energy si bunso sa buong araw.
4. Gawing Masaya ang Healthy Eating
Ang sikreto? I-enjoy ang journey! Pwede kang gumawa ng creative bento boxes o gawing activity ang pag-aassemble ng simple snacks tulad ng veggie sticks and dips. Kapag happy si bunso, mas ganado siyang kumain ng masustansya.
5. I-Support si Bunso with Bonakid Preschool 3+
Syempre, kahit anong effort natin, kailangan pa rin ng extra tulong para sa growth at development niya. Good news, Mommy! May Triple Boost Formula ang Bonakid Preschool 3+ para sa growth, energy, at immunity ng inyong mga anak! Perfect para siguradong ready siya sa bawat araw, kahit pagkatapos ng holiday indulgence!
Kaya, Mommy, Ready Ka Na Ba sa Balik-Nutrition?
Kunti-kunting adjustments lang, konting creativity sa meals, at dagdag tulong mula sa Bonakid Preschool 3+, siguradong balik healthy eating at laban-ready na uli si bunso!
References:
1. Tovla Jr. (n.d.). Getting kids back on track with nutrition after the holiday treats. Retrieved from https://tovlajr.com/blogs/news
2. Wholesome Health. (n.d.). 5 tips to get kids back on track after holiday eating. Retrieved from https://www.wholesome.health/blog
3. Pediatric Partners. (n.d.). Keep kids eating on track during the holidays. Retrieved https://www.pedpartners.com/pediatrics-blog/keep-kids-eating-on-track-during-the-holidays/